Sunday, March 6, 2011

MAYNILA PAGKAGAT NG DILIM

Maynila, Pagkagat ng Dilim
Bakit itinuturing na isa sa mga pinagpipitagang pelikula ni Direktor Ishmael Bernal ang Manila By Night (Regal Films, Inc.)? Ating balikan ang pelikulang umani ng papuri mula sa mga kritiko noong taong 1980. Kilala si Bernal sa paggawa ng mga pelikulang puno ng iba't-ibang pangunahing tauhan. Tahasang isinaad sa pelikula ang suliraning pang lipunan sa kalakhang Maynila. Mula sa isang simpleng tinedyer (William Martinez) na anak ng dating putang nagbagong buhay (Charito Solis) hanggang sa isang tomboy na drug pusher (Cherie Gil), may bulag na masahista (Rio Locsin), nariyan din ang taxi driver (Orestes Ojeda), ang kabit niyang nagkukunwaring nars (Alma Moreno), mayroon ring probinsyanang waitress (Lorna Tolentino) at ang baklang couturier (Bernardo Bernardo) na bumubuhay sa kanyang pamilya. Iba't-ibang buhay ng mga taong pinagbuklod ng isang malaking siyudad. Tinalakay ng pelikula ang problema sa droga, prostitusyon, relihiyon at kahirapan na magpasahanggang ngayon ay mga suliraning hinahanapan pa rin natin ng solusyon. Maraming nagkumpara ng Manila By Night sa obra ni Direktor Lino Brocka ang Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag. Kung saan nagkulang ang pelikula ni Brocka ito naman ang landas na tinahak ng obra ni Bernal. Hindi lamang nito ipinakita ang lumalalang situwasyon ng kahirapan sa Maynila sa halip ay hinarap nito ang ibang mga isyung hindi tinalakay sa pelikula ni Brocka. Sa aspetong ito mababanaag ang malaking pagkakaiba ng dalawang pelikula. Kung panonoorin sa ngayon ang Manila By Night masasabing may kalumaan na ang tema nito, di tulad ng unang ipinalabas ang pelikula sa mga sinehan. Matatandaang kinatay ito ng Board Of Censors sa utos na rin ng Unang Ginang na si Imelda Marcos dahil taliwas ito sa imahe ng Maynilang ipinagkakapuri ng administrasyong Marcos. Halos lahat ng linya sa pelikulang sinabi ang katagang Maynila ay pinutol. Pati na rin ang mga maseselang eksena sa pelikula ay iniklian o kaya ay tuluyang ginunting ng opresibong sensura. Hinarang din ng gobyerno ang dapat sanang pagpapalabas ng Manila By Night sa Berlin Film Festival.

Makaraan ang dalawampu't anim na taon mula ng ipalabas ang Manila By Night ay masasabing halos walang binago ang panahon kung susuriin natin ang mga suliraning pang lipunan ng Pilipinas. Nariyan pa rin ang problema sa mga ipinagbabawal na gamot, ang prostitusyon at kahirapan. Sino ba talaga ang dapat sisishin sa lahat ng mga ito? Ang pamahalaan ba? Tayong mga mamayan? Hanggang ngayon wala pang sagot sa mga tanong na ito. Nararapat nating pasalamatan ang mga direktor na tulad ni Ishmael Bernal na sa pamamagitan ng paggawa ng mga obrang tulad ng Manila By Night, isang pelikulang nagmulat sa ating kaisipan sa suliranin ng bansang Pilipinas.

WHEN I WAS NO BIGGER THE A HUGE BY JOSE GARCIA VILLA

When, I, was, no, bigger, than, a, huge,
Star, in, my, self, I, began, to, write,
My,
Theology,
Of, rose, and,

Tiger: till, I, burned, with, their
Pure, and, Rage. Then, was, I, Wrath-
Ful,
And, most,
Gentle: most,

Dark, and, yet, most, Lit: in, me, an,
Eye, there, grew: springing, Vision,
Its,
Gold, and,
Its, wars. Then,

I, knew, the, Lord, was, not, my, Creator!
--Not, He, the, Unbegotten—but, I, saw,
The,
Creator,
Was, I—and,

I, began, to, Die, and, I, began, to, Grow.

SA BABAENG NAGHUBAD SA DALAMPASIGAN NG OBONG

Labis ang aking pagkagitla

sa unti-unting pagkalaglag

ng iyong patadyong
animo’y pilantik ng pasol
sa mayamang pamana
sa maputing dibdib mo.
Kay ganda ng pagkalatag
ng dalawang biyoos,
nakausli sa may umaga
sana’y makatitiyad ako sa ibabaw
ng aking balikhaw!
O anong sarap sumigaw ng mahinahon!
Habang lumilingon-lingon ka
Kung wala bang kasalo sa iyong pagpapabaya,
Naglagitgitan ang mga dahon,
Itinulak ng lunti ang mga laya
at nakisalamuha sa lupa;
pababa ng pababa ang patadyong
kumalat ang iyong kariktan,
‘kinalong ka ng mga alon
inakay ka ng batis
ng liwanag at lilim
hinangad ang mga lusay
upang gawing pana
sa kanilang malikmata
nilathala kang walang katumbas
sa mga hangari’t panaginip
ang iyong pusod karangalan ng Ladabi,
ang iyong kinding dalisay na Sugbuanon;
ibinintang ko sa langit
ang aking kasiyahan
pagkat ng umigkas ang bingwit
iniwan mo ng taga ang aking
kasingkasing.

FIVE LOAVES AND TWO FISHES

A little boy of thirteen was on his way to school
He heard a crowd of people laughing and he went to take a look
Thousands were listening to the stories of one man
He spoke with such wisdom, even the kids could understand

The hours passed so quickly, the day turned to night
Everyone was hungry but there was no food in sight
The boy looked in his lunchbox at the little that he had
He wasn't sure what good it'd do, there were thousands to be fed

But he saw the twinkling eyes of Jesus
The kindness in His smile
And the boy cried out
With the trust of a child
he said:

"Take my five loaves and two fishes
Do with it as you will
I surrender
Take my fears and my inhibitions
All my burdens, my ambitions
You can use it all to feed them all"

I often think about that boy when I'm feeling small
And I worry that the work I do means nothing at all

But every single tear I cry is a diamond in His hands
And every door that slams in my face, I will offer up in prayer

So I'll give you every breath that I have
Oh Lord, you can work miracles
All that you need is my "Amen"

So take my five loaves and two fishes
Do with it as you will
I surrender
Take my fears and my inhibitions
All my burdens, my ambitions
You can use it all
I hope it's not too small

I trust in you
I trust in you

So take my five loaves and two fishes
Do with it as you will
I surrender
Take my fears and my inhibitions
All my burdens, my ambitions
You can use it all
No gift is too small
http://www.6lyrics.com/five_loaves_and_two_fishes-lyrics-corrinne_may.aspx

SA KUKO NG AGILA

Mahirap man ang buhay
Aking matitiis
Basta't walang talikalang nakatali sa leeg

Hirap ay makakaya
Kung ako ay wala na
Sa kuko ng agila sa akin ay pumupuksa

Sa sariling lupa ay alipin ako ng banyaga
Sa kuko ng agila kailangan kung makalaya

Kailan ang tamang oras upang labanan ko
Ang mga pang aapi sagad na sa aking buto
[ Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics/f/freddie_aguilar/sa_kuko_ng_agila.html ]
Ngunit walang kalayaan
Habang naroroon
Sa kuko ng agila sa leeg ko nakabaon

Akoy palayain
Sa kuko ng agilang mapang alipin

Mahirap man ang buhay
Aking matitiis
Basta't walang talikalang nakatali sa leeg

Ngunit walang kalayaan
Habang naroroon
Sa kuko ng agila sa leeg ko nakabaon

Ako'y palayain sa kuko ng agilang mapang alipin

Sa sariling lupa ay alipin ako ng banyaga
Sa kuko ng agila kailangan kung makalaya

Akoy palayain
Sa kuko ng agilang mapang alipin(2x)

AMBON ULAN BAHA

AMBON ULAN BAHA” is a two-hour ethno-rock modern zarzuela that showcases twenty original musical scores inspired by kundiman, balitaw, ethnic and modern musical trends with choreography based on ethnic, folk/traditional and creative dances


An original production of the celebrated Mindanao State University –Sining Kambayoka ( founded by Theater Artist Frank G. Rivera ) in 1978, “ Ambom…” was remounted by Teatro Metropolitano through NCCA Grant in 1992, also at the helm of Rivera.

This long –time running musical which predicted the Ormoc tragedy in 1991, highlights environmental concerns and focuses on the preservation of Philippine forests. It also deals heavily on Filipino values, the importance of education, religion, family and youth. It also carries relevant commentaries on socio-economic and political issues of the times. It aims to educate its audiences especially the youth about issues of urgent and national importance To – date, ARNAI’s “ Ambon, Ulan, Baha” has been sponsored by several organizations and institutions and has seen more than 500 performances. The zarzuela’s success in depicting the Filipino lives after almost three decades after it was first staged, proved its timelessness and its relevance to the evolutions of Philippine Theater.
Its music, inspired by folk/traditional songs like balitaw and kundiman, formerly considered provincial “ bakya “ , and unsophisticated as compared to “mainstream” of legitimate theater, proved to be good venue for improvisation and fusion, thus exploring and experimenting for new forms.
Its dances: a fusion of folk/traditional, modern and creative movements showcase creative interpretation of the play’s songs and scene.

MAYNILA 1898

Labanan sa Look ng Maynila (1898)
Ang Labanan sa Look ng Maynila ay pagsiklab ng digmaan sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya ay nag-udyok sa Estados Unidos na sakupin ang Pilipinas. Ipinakita ng mga Amerikano ang kapangyarihang militar nito nang lusubin ng kanilang hukbong pandagat ang hukbo ng mga Español sa Look ng Maynila noong Mayo 1, 1898. Walang nagawa ang mga Espanyol kundi isuko ang Pilipinas sa mga Amerikano. Upang hindi malagay sa kahihiyan ang Spain, nakipagkasundo ang Estados Unidos na magkaroon ng kunwa-kunwariang labanan sa Maynila. Isinagawa ito noong Agosto 13, 1898. Inakala ng hukbo ni Aguinaldo na magkakaroon ng tunay na paglusob ang mga Amerikano laban sa mga Español kaya nag-alok siya ng tulong militar ngunit hindi ito tinanggap ng mga Amerikano. Sa pamamagitan ng kunwa-kunwariang labanang ito, ipinakita ng mga Espanyol na lumaban ang mga hukbo nito sa abot ng kanilang makakaya at hanggang sa huling sandali.